..dread up the control…

walang basagan ng trip!

Payaso

June 6th, 2008 by jerry

Isang magandang kanta mula sa bandang Razorback. Isang bandang ngayon ko lamang nalaman ang lyrics ng kanilang kantang Payaso. Ngayong nakilala mo na sila habang sila ay ni click mo, ang isang sulat na ito para sa araw na to, ay merong koneksyon sa isang ito.

Hindi na baguhan
Sa pagkukunwari
Manhid na siya sa lason
Lason ng ngiti
Eksampol niya ‘to sa hirap
At sa sakit ng mundo
Reyalidad niyang ito
Binibigay sa iyo
Ikaw at ako

May mga maskara din tayo
Kamandag ng katotohanan
Ang siyang lalaya sa isipan

Nabasa mo naman di ba?Isa yan sa parte ng kantang Payaso, basahin ng maigi ha, kasi para sa akin, sa ngayong mga oras na ‘to, diyan ko binase ang nararamdaman ko, sa kadahilang nawalan ako ng magandang trabaho, buti andyan ang mga mabubuti nating friendships, AKA KAMAHALAN,para bigyan ang inyong abang likod ng lakas ng loob, hehe, kanina naalala ko sa tindahan sa labas ng bahay, medyo kinalog ang aking utak sa dami ng mga iniisip kung ano ang mangyayari,nagtanong ako kay ate ella, “ate ella, meron ka bang pampalakas ng loob dyan?!, pabili naman oh”, sabay, “lakas ng loob ba kamo?, kung lakasng loob hanap mo e wala ako nyan, ikaw mismo meron nyan, hindi mo mabibili yan dito, ikaw Jerry ha, nagiging ungas ka na naman”, sabay tawa kami ng sabay hahahah. Yung mga ganong oras e talgang wala akong magawa kung hindi maging ungas, pero nung nahismasmasan na ko dahil nakausap ko ang friendships AKA KAMAHALAN, parang nawala na yung demoralized sa aking sarili ng sinabi nya yung mga dapat kong malaman. Umaasa na sana ay maging normal ulit ang aking sarili dahil sa pagiging ungas. :)

Paalam

June 5th, 2008 by jerry

Tama nga ang nabasa mo sa title. Hindi naman sa nagpapaalam ako na mawawala sa mundong ibabaw.(tok tok tok wag naman sana eheh marami pa kong gagawain e).Ngayong araw na ito Biyernes, Hunyo 6, 2008, ako’y mag reresign sa aking pinakamamahal na trabaho, mawawala na ang hawak kong laptop, ang internet ko sa bahay hindi ko na mababayaran(unless na makahanap agad ng trabaho),pansamantalang mawawalang ng chat buddy c ate pachuchay,hindi ko na rin magagawang sumulat sa aking blog, at sa lahat, sana itong desisyon na ginawa ko ay magbubukas sa panibagong pinto ng aking buhay. :)

Sino ba to?

May 28th, 2008 by jerry

Malamang sa malamang hindi mo sila kilala eheh. Hindi ko na patatagalin kasi alam ko na mababagot ka.

Pakikilaa ko sa iyo itong taong to kapag niclick mo to.Ang pangalan ng taong una mong ni click ay si Shiela Obano.. Oo sya yan wag ka ng magtaka, isang maganda mommy,(pasintabi po sa mga kumakain hehe j/k to mami shie). Hindi ko aakalain na makakakilala ko ‘tong tao na to sa sa isang message board na lagi kong binibisita..Minsan ko lamang sya nakita sa isang lugar sa Las Pinas na kung saan marami ring mga manlalaro ng isang online game na nilalaro ko.. Ilang oras mula ngayon(10:29 ng gabi 5.28.08) ay ang kanyang kaarawan, maligayang kaarawan nga pala.

Oh ito naman i click mo to.Nakita mo?Sure ka na nakita mo ha?Sabi daw nya maganda daw sya.(Tsk tsk…) Isang kapampangan, madaling napalagay ang aking loob sa taong ito dahil ang aking mommy ay isa nyang kababayan..Sya naman c Katrina AKA Ate Pachuchay, AKA chuchikles ng Priston Tale. Ayon sa kanya, chat buddy nya ako..Hindi daw buo ang araw nya kapag hindi ako kausap, oo tama, galing sa kanya yan eheh, nakilala nya ko bilang isang adik, kalaro ko to kasama nya si denz at ren, unang impresyon “A D I K AKO”, Naku po Diyos ko naman, hindi po totoo yun eheh.

Napakaswerte ko dahil nakilala ko sila, mga kaibigang hindi ko makakalimutan, Kahit yung isa sa kanila ay hindi ko pa nakikita ng personal, sigurado ang mga taong nabanggit ko ay napakabait.

Unang Sulat

May 26th, 2008 by jerry

Salamat sa pagbisita kaibigan, bakit ba meron bang mga tao na hindi nila gusto ang pagkatao ng isang tao?

Naguluhan ka no?Simple lamang naman ang gustong kong maunawaan. Kagaya ng nangyari sa akin at sa isa kong kaibigan, mayroong konting pagtatalo, nangyari kasi ito dahil ayoko sa lahat na sasabihan ako ng isang salita na ayokong marining sa aking mga tenga..Alam nya na nasabihan ko siya na huwag nya ng uulitin or babanggitin ito, pero naulit,hanggang sa tinanggap ko na ang kanyang “SORRY”.Nag usap kung ano ba talaga ang mali ko at ang mali nya, okay sige panalo na, mali na ko :), hahaba pa ang istorya, sana ay matapos na ang sigalot na ito sa kanya.Muli’t muli, Maraming salamat at Mabuhay Kayong Lahat!